Ipinaabot ni BJMP Chief Medical Officer Dr. Henry Fabro sa Sandiganbayan ang mga pangangailangang medikal ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.
Kasunod nito, inatasan ng korte ang BJMP, DBM, DILG, House of Representatives at Senado na tugunan ang mga pangangailangan, kabilang ang karagdagang hospital beds, medical supplies, medical equipment, at mga doktor.
📹 via Tjay Mendoza

