Lumubog ang isang motorized banca na may sakay na 13 katao sa Camaley-Balogo River sa Binmaley, Pangasinan na ikinasawi ng tatlong katao.
Nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi, Setyembre 12, habang patungo umano sa isang lamay ang mga sakay. Natagpuan ang tatlong biktima sa magkahiwalay na oras nitong Linggo, Setyembre 13 at Lunes, Setyembre 14.
Ayon sa pulisya, posibleng managot ang nagpatakbo ng bangka sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
📷 Binmaley MDRRMO


