Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2387, na magtatakda sa limang taon ng termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Sa plenary session nitong Lunes, 13 senador ang bumotong pabor sa panukala ni Sen. Francis Escudero habang lima ang tumutol.
Sa ilalim ng batas, ililipat ang halalan sa Nobyembre 2, 2028 at gaganapin kada limang taon pagkatapos nito.
📷 PNA

