Itinanggi ni Atty. Harry Roque ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na tinanggihan ang kaniyang asylum application sa Austria.
Ayon kay Roque, nakabinbin pa ang kaniyang aplikasyon at hinihintay pa niya ang opisyal na desisyon ng mga awtoridad sa Austria.
Iginiit din niyang walang patakaran na awtomatikong itinuturing na tinanggihan ang asylum application kapag lumipas ang anim na buwan.
📸: Harry Roque / FB

