Handa si Vice President Sara Duterte na pumalit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling magbitiw ito sa puwesto, ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Paolo Panelo.
Sinabi ni Panelo na hindi pansarili ang panawagan ni Duterte na magbitiw si Marcos dahil naniniwala umano ang bise presidente at maraming Pilipino na hindi mabuti para sa bansa ang pananatili ng pangulo sa puwesto.
Sa isang panayam, inakusahan ni Duterte ang administrasyong Marcos Jr. ng korapsyon, pang-aabuso at political harassment habang kinakaharap niya ang kasong grave threats.
📸: Inday Sara Duterte

