Nasawi ang anim na pasahero habang 15 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang elf truck sa Sitio Jakap, Talubin, Bontoc, Mountain Province nitong Martes ng hapon, Setyembre 15.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagmula sa Isabela ang sasakyan at may sakay na 27 katao. Patungo sana ito sa Bakun, Benguet nang mahulog sa bangin.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang isagawa ang rescue operations at tulungan ang mga pasahero.
📸: MDRRMO Bontoc

