Umakyat na sa 77 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya ng M/V June Aster matapos pumanaw ang isa sa mga tripulanteng unang nasagip sa insidente.
Ayon sa Philippine Coast Guard, idineklarang patay kahapon, Setyembre 14, ang crew member na isinugod sa Cullion Sanitarium and General Hospital.
Samantala, 43 tripulante ang nakaligtas, habang 12 pa ang nawawala. Patuloy ang recovery operations at paghahanap sa mga nawawalang tripulante.
Nakikipag-ugnayan din ang PCG sa iba pang awtoridad para sa imbestigasyon sa sanhi ng trahedya. | via Jim Tejano
