HINDI PO NAGSISINUNGALING ANG CCTV.
Iginiit ni Senator Robin Padilla na hindi tumakas si Senator Bato dela Rosa sa Senado noong Mayo at nakisakay lamang ito sa kaniyang sasakyan.
Ayon kay Padilla, makikita sa CCTV ang nangyari sa kabila ng presensya ng maraming pulis sa lugar. Samantala, ipinatawag siya ng Department of Justice kaugnay ng alegasyon ng paghadlang sa pagpapatupad ng hustisya.
