Sinabi ni retired Chief Justice Reynato Puno na maaari pa ring makilahok sa pagdinig ang isang senator-judge kahit wala siya sa mismong pagdinig.
Ayon kay Puno, hindi kailangang personal na makita ng isang hukom ang kilos o asal ng isang witness upang makapagpasya. Maaari umanong ibatay ang desisyon sa mga transcript, stenographic notes at iba pang record ng kaso.
Para kay Puno, ang mahalaga ay kaya ng senador na gampanan ang tungkulin bilang hukom nang patas at walang kinikilingan. Aniya, kailangang maging malaya, makatarungan at walang kinikilingan ang mga senador-hukom.

