Mismong sa loob ng presinto ng Batasan sa Quezon City sumalpok ang isang rider matapos umanong makatulog habang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo.
Batay sa CCTV, mabilis ang takbo ng motorsiklo bago sumalpok sa glass door hanggang sa pwesto ng front desk officer. Ligtas naman ang rider ngunit nagtamo siya ng mga sugat sa mukha at noo.
Isinailalim naman siya sa drug at alcohol tests. Samantala, ayon sa rider, galing siya sa trabaho at nakatulog habang nagmamaneho dahil sa pagod. Handa rin umano siyang bayaran ang mga napinsala.
📷 QCPD Station 6



