Ipapataw ang excise tax sa ice cream at frozen yogurt sa ilalim ng panukala ng Department of Finance (DOF) na palawakin ang saklaw ng sweetened beverage tax.
Kabilang sa bagong kategoryang bubuwisan ang dairy at plant-based ice cream, ice milk, sorbetes, ice lollies, maging ang flavored at unflavored frozen yogurt.
Nais din ng DOF na alisin ang exemption sa 100% natural fruit at vegetable juices na walang dagdag na asukal.
Samantala, target nitong itaas ang excise tax sa sweetened beverages mula ₱6 kada litro hanggang ₱20, at mula ₱12 hanggang ₱40 kada litro para sa mga inuming may high-fructose corn syrup.



