Nakatapos ang 12,010 examinees sa tatlong araw na Bar examinations na isinagawa ng Supreme Court noong Setyembre 6, 9, at 13.
Ayon sa SC, ito ang may pinakamataas na bilang ng mga kumuha ng Bar exams sa kasaysayan. Noong 2025, nasa 11,425 ang kumuha ng pagsusulit, habang 10,480 naman noong 2024.
Sinabi rin ng korte na sa Enero 2027 pa malalaman kung sinu-sino ang pumasa. Sasailalim ang mga ito sa panunumpa at paglagda sa Roll of Attorneys upang maging ganap na abogado.
📷 Supreme Court


