Nakahuli ng halos dalawang toneladang malalaking tuna ang mga mangingisda sa Pagudpud, Ilocos Norte nitong Sabado, Setyembre 12.
Tinatayang lima hanggang walong kilo ang bawat tuna at unang pagkakataon umano ngayong taon na nakahuli sila ng ganoong karaming isda.
Dahil sa dami ng huli, ipinamigay na lamang ng mga mangingisda ang ilan sa mga tuna upang hindi masayang at mapakinabangan ng ibang tao.
📹 Teddie Agnir

