Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae matapos masagasaan ng SUV habang tumatawid para bumili ng pagkain sa Barangay Bambang, Pasig City.
Batay sa CCTV, tumawid sa kalsada ang bata at nasagasaan ng isang SUV. Hindi umano siya napansin ng driver dahil sa laki ng sasakyan. Agad siyang isinugod sa ospital ng driver ngunit idineklarang patay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at Land Transportation Office (LTO) sa insidente.
📷 Barangay Bambang

