Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Martes, Setyembre 15, na nagpakita na ang kapitan ng M/V June Aster na si Captain Roel Sarmiento, ilang araw matapos masunog ang barko sa karagatan ng Coron, Palawan.
Boluntaryong nagtungo si Sarmiento sa tanggapan ng Atienza Interisland Ferries Inc., may-ari at operator ng barko, noong Lunes, Setyembre 14. Iniulat naman sa PCG Emergency Operations Center ang kaniyang pagharap.
📷 PCG


