Nahuli ang isang bilanggo na South Korean convict na umano’y nagplano ng pagtakas sa New Bilibid Prison gamit ang drone na kayang bumuhat ng hanggang 75 kilos, ayon sa South Korean media.
Iniulat na pinaghandaan ni Park Wang-yeol, 47, ang pagtakas bago ang kaniyang pansamantalang repatriation sa South Korea noong Marso upang harapin ang isang hiwalay na kasong kriminal. Naiulat na gumastos ng humigit-kumulang 100 million won o $74,000 si Park para sa kaniyang pagtakas, kabilang ang pagbili ng drone. Ilang test flight umano ang isinagawa ng kaniyang mga tauhan malapit sa kulungan bago nadiskubre ang kanilang plano.
Nahatulan si Park sa Pilipinas ng 60 taong pagkakakulong noong 2022 dahil sa pagpatay sa tatlong South Korean na natagpuan sa isang sugarcane field sa labas ng Bacolod City noong 2016. Dalawang beses na rin umano siyang nakatakas sa kustodiya noong 2017 at 2019.
📸: South Korean media


