MGA PASAHERO NABULABOG SA GITNA NG IRAN FLIGHT.
Matinding takot ang naramdaman ng mga pasahero ng Boeing 737 ng Sepehran Airlines nang matanggal ang gulong ng eroplanong sinasakyan nila at magkaroon ng problema sa makina.
Makikita sa video na nasira na ang bahagi ng kisame at naglaglagan ang mga gamit sa loob ng sasakyan.
Ligtas namang nakalapag ang eroplano sa Mashhad Airport sa Iran at wala umanong nasugatan sa insidente.
📽️: aviationbrk / X

