Hindi pinayagan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang panawagan ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Teodoro, walang karapatan ang China na diktahan ang Pilipinas sa mga lugar kung saan ginagamit ng bansa ang soberanya at hurisdiksiyon nito.
Kasunod ito ng batikos ng Chinese Embassy sa malawakang pagkukumpuni sa naturang barko upang mapanatili ang presensya ng Pilipinas sa lugar.
📸: PNA

