Ipinasubpoena ng Senate impeachment court si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang testigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na Setyembre 23.
Kaugnay ito ng pagbubusisi ng korte sa Article II ng impeachment complaint, na tumatalakay sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.
Tatanungin umano si Mayo Baste tungkol sa mga naging transaksyon ng Davao City government sa Gencorp Industries, na sinasabing umabot sa ₱14.32 milyon mula 2022 hanggang 2025.
📸: Baste Duterte / FB

