Personal na humarap kahapon si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong status conference ng kaniyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Tinalakay sa pagdinig ang dami ng ebidensyang ihaharap ng prosekusyon at depensa, pati ang timetable para sa pormal na paglilitis na sisimulan sa Nobyembre 30, 2026.
Samantala, sinabi ng ICC Trial Chamber III na mananatiling nakakulong si Duterte habang nalalapit ang kaniyang paglilitis.
📸: ICC

