Pinalawak ng PhilHealth ang benefit packages nito para masaklaw ang inpatient admissions na wala pang 24 oras ang hospital stay simula Setyembre 18.
Saklaw nito ang mga pasyenteng may “serious, severe, and life-threatening” na kondisyon, basta’t mapatunayang medically necessary ang admission batay sa medical records.
Kasama rin sa coverage ang mga pasyenteng nangangailangan ng tuloy-tuloy na pangangalaga sa ibang ospital, namatay habang naka-confine, o pinayagang umuwi sa loob ng 24 oras.
📸: PhilHealth

