Ipinaliwanag ni former Associate Justice Adolfo S. Azcuna na mahalagang hindi baguhin ang nilalaman ng Konstitusyon kaugnay sa pagtatakda ng bilang ng boto para sa isang impeachment trial, dahil hindi aniya ito madaling manipulahin.
Sa pagtalakay sa voting threshold, sinabi ni presiding officer Senator-judge Chiz Escudero:
“Ano ang garantiya natin na kung maaari palang baguhin ’yong botong itinakda sa Saligang Batas... ano ang garantiya natin na hindi ito gagamitin ng isang pangulo o opisyal o kaniyang mga kaalyado para manatili lamang sa kapangyarihan at supilin ang mga kalaban nila sa politika?”
Samantala, ayon kay Azcuna:
“Walang garantiya kaya ’yon ang panganib na nakita ng [mga gumawa] ng ating Saligang Batas kaya ginawang basehan ang denominator ng membership ng Senado o Kongreso.”
“That is a safeguard... that is the assurance that as far as humanly possible in drafting a fundamental law that the needed majority will not be subject to easy manipulation.”


