Pinawalang-bisa ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng dalawang taon ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach nang masangkot ito sa vehicular accident sa Antipolo City noong nakaraang buwan.
Ayon sa LTO, lumabas sa imbestigasyon na nakatulog si Muhlach dahil sa matinding pagod kaya nawalan siya ng kontrol sa minamanehong sasakyan na bumangga sa tatlong establisimyento. Idineklarang liable ang aktor sa reckless driving at “improper person to operate a motor vehicle.”
Mananatili rin sa alarm status ang SUV ni Muhlach upang maipatupad ang ipinataw na penalty at mapigilan ang anumang transaksyon dito habang umiiral ang resolusyon.
Nauna nang inamin ni Muhlach na siya ang may pananagutan sa insidente.
📷 Syrel Jateco Traquena


