Binaril ng isang customer ang isang lalaki na umano’y nagtangkang mangholdap sa isang gas station sa Orland Park, Illinois.
Ayon sa pulisya, armado ng baril ang suspek nang lapitan nito ang customer na nagpapakarga ng gasolina. Agad namang bumunot ng baril ang customer mula sa kaniyang baywang at nagpaputok.
Tinamaan ang suspek at nakita sa CCTV na nagtangka itong tumakas. Kalaunan ay natagpuan siya ng mga awtoridad at dinala sa ospital.
Hindi nasugatan ang customer na nakikipagtulungan na rin sa imbestigasyon. Patuloy namang inaalam ng pulisya ang buong pangyayari at kung may kakaharaping kaso ang sinuman sa mga sangkot.
📹 ABC 7


