Nasawi ang anim na katao habang 17 ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang elf truck sa Bontoc, Mountain Province. Kabilang sa mga nasawi ang isang 6-buwang gulang na sanggol.
Ā
Lumabas sa imbestigasyon na bumiyahe ang truck sa Talubin-Barlig Road nang mahulog ito sa bangin at dumiretso sa tubig. Ayon sa pulisya, sinabi ng driver na nawalan ng preno ang sasakyan habang nasa pababang bahagi na sila ng daan.
Ā
Sa 17 sugatang biktima, 15 ang nananatili sa ospital, at dalawa lang ang pinayagan nang makalabas. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Ā
š· Bontoc MDRMO



