Nasawi ang isang 10-anyos na batang babae matapos masagasaan ng dump truck habang tumatawid kasama ang kaniyang ina sa Maa Road, Davao City.
Ā
Ayon sa ina, galing sila sa bangko at tumawid sa dating pedestrian crossing dahil malayo pa umano ang dump truck at pula ang traffic light.
Ā
Sinabi ng pulisya na agad na umandar ang truck nang mag-green ang traffic light at hindi napansin ng driver ang mag-inang tumatawid. Nasugatan din ang ina sa insidente.
Ā
Hindi na naghain ng reklamo laban sa driver ang ina, habang nangako naman ang kompanya ng truck na sasagutin ang pagpapalibing sa bata.
Ā
š· Salida ni Pandamay



