Umaasa si Senate Impeachment Court Presiding Officer Sen. Chiz Escudero na matatapos ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago matapos ang 2026.
Wala pang tiyak na timeline para sa paglilitis dahil nakadepende ang tagal nito sa dami ng ebidensyang ihaharap ng depensa at sa magiging takbo ng mga pagdinig, dagdag ng senador.
Umaasa rin si Escudero na bibilis ang presentasyon ng mga ebidensya sa mga susunod na pagdinig. Sinabi niyang maaari ring limitahan ng impeachment court ang mga testigo o ebidensyang walang kaugnayan sa mga alegasyon, gaya ng ginawa nito sa panig ng prosekusyon.


