Nanawagan ang 20 senador kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng state of calamity sa mga lugar na matinding naapektuhan ng El Niño upang mapabilis ang paglalabas ng tulong at pondo para sa mga apektadong komunidad.
Sa Senate Resolution 765, hiniling din ng mga senador sa mga ahensya ng pamahalaan na gamitin ang nakalaang disaster funds at bantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang overpricing at hoarding. Ayon sa Department of Agriculture, umabot na sa ₱8.57 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño noong Oktubre 21.


