Magbibitiw na bilang co-CEOs ng DC Studios sina James Gunn at Peter Safran sa katapusan ng Nobyembre 2026 upang makabalik sa paggawa ng pelikula at makagawa ng iba pang creative projects.
Ang dating Marvel Studios executive na si Jeremy Latcham ang papalit sa kanila simula Disyembre 1 bilang president at chief creative officer.
Sa Instagram, ibinahagi ni Gunn na naging mahirap para sa kaniya ang pagsabayin ang pamamahala sa studio at ang pagiging filmmaker. Aniya, halos wala na siyang oras para magpahinga at makasama ang kaniyang pamilya dahil sa dami ng responsibilidad.
Mananatili naman silang producers ni Safran sa mga susunod na DC projects, kabilang ang Man of Tomorrow at The Batman Part II.
📸: Reuters


