Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala itong planong makipag-away sa China sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi dapat awayin ng Pilipinas ang China.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang paninindigan ng militar sa mga pinag-aagawang teritoryo ay hindi paghahanap ng gulo kundi pagtatanggol sa teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa batas at international law.
Patuloy din umanong hinaharap ng Pilipinas ang presensya ng Chinese Navy at Coast Guard sa loob ng 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
📸: AFP | via Vic Somintac


