Darating sa Pilipinas ang Brazilian President na si Luiz Inácio Lula da Silva sa Nobyembre 14 hanggang 15 para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Ayon sa Presidential Communications Office, inimbitahan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumalo sa plenary session ng ASEAN Summit bilang Guest of the Chair.
Inaasahan ding magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider upang talakayin ang pagpapalawak ng trade at investment, at pagtutulungan sa agrikultura, enerhiya, science and technology, depensa at iba pang larangan.
📸: Reuters | via Madelyn Moratillo


