Iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang 90 araw na preventive suspension kay dating House Speaker Martin Romualdez, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱7.4-bilyong kickback scheme sa mga proyekto ng imprastraktura ng pamahalaan.
Kinumpirma ni Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Third Division, ang naturang kautusan ngayong Martes ng hapon, Nobyembre 10.


