Isang South Korean convict ang umano’y nagbalak tumakas sa kulungan gamit ang isang heavy-duty drone.
Nabunyag ang plano ni Park Wang-yeol, 47, matapos makuha ng mga awtoridad ang rehearsal footage na ginawa ng isa sa kaniyang mga kasabwat.
Si Park ay nahatulan noong 2022 ng 60 taong pagkakakulong kaugnay ng pagpatay sa tatlong South Korean sa isang tubuhan sa Bacolod City noong 2016.



