Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng bansa ay dulot ng hindi pangkaraniwang lakas at dami ng ulan.
Aniya, hindi lamang mga problema sa flood control projects ang dahilan ng pagbaha, kundi may kaugnayan din ito sa climate change.
Samantala, pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga river dam at dike bilang pangmatagalang solusyon sa pagbaha, habang patuloy ang pagkukumpuni sa mga nasirang pasilidad.
📸: PCO


