Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang 39 na Filipino seafarers na sakay ng dalawang barko sa Black Sea kasunod ng naiulat na drone attacks malapit sa Novorossiysk, Russia.
Ayon sa DMW, ligtas lahat ng 17 Filipino crew member ng MV Anna S, gayundin ang 22 Filipino crew member ng MV Elina B, na inatake matapos tumulong sa pagsagip sa mga tripulante ng MV Anna S noong Agosto 17.
Samantala, isang Filipino seafarer mula sa MV Anna S ang stable na ang kundisyon sa isang ospital sa Turkiye dahil sa hiwalay na medical concern.
Nagbigay naman ng agarang assistance ang shipowner at port team sa mga apektadong tripulante.
📸: AFP



