Pumalo sa 30 ang naiulat na nasawi matapos gumuho ang malaking tambak ng basura sa isang landfill sa Conakry, Guinea nitong Linggo, Agosto 23 (Manila time).
Bukod dito, anim na iba pa ang lubhang nasugatan at 16 ang nagtamo ng minor injury.
Ayon sa mga awtoridad, natabunan ang mga tent at kabahayang gawa sa light materials na malapit sa lugar dahil sa malakas na pag-ulan noong gabi. Patuloy naman ang search and rescue operations ng lokal na pamahalaan.
📸: Reuters


