Posibleng kumpiskahin ng Bureau of Customs ang isang luxury vehicle na pagmamay-ari umano ng isang aktor dahil sa umano’y problema sa deklarasyon at pagbabayad ng buwis nito.

Ayon sa BOC, dapat sana ay umabot sa ₱30 milyon o higit pa ang buwis para sa sasakyan, ngunit ₱1.8 milyon lamang umano ang naibayad.

Naghahanda na ang ahensya ng Warrant of Seizure and Detention habang iniimbestigahan ang posibleng paglabag sa customs laws. | via Earlo Bringas
📸: BOC


