PULIS NA RUMESPONDE, NAPUTULAN NG KAMAY.
Sugatan at naputulan ng kamay ang isang pulis matapos tagain ng lalaking may hawak ng bolo na umano’y nag-amok sa Barangay Calalaan, San Jose, Camarines Sur nitong Sabado ng hapon, Agosto 22.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, rumesponde ang mga pulis sa ulat tungkol sa lalaking may dalang bolo. Bigla umano itong sumugod at tinaga ang isa sa pulis na rumesponde.
Napigilan ang suspek matapos itong barilin sa magkabilang hita. Kapwa dinala sa ospital ang pulis at suspek. Patuloy silang nagpapagaling habang isinampa ang reklamong direct assault laban sa suspek. | via Jim Tejano
📽️: Camarines Sur PPO


