Huling namataan ang Bagyong Saudel sa layong 1,540 km Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon. May taglay itong hangin na 175 km/h at pagbugsong umaabot ng 215 km/h.
Nananatili ang pagkilos nito sa pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.
Habang ang Bagyong Gaenari (dating Neneng) ay patuloy na lumalayo sa Philippine area of responsibility (PAR). Ito ay nasa layong 505 km Hilaga Hilagang-Kanluran ng Itbayat, Batanes.
Samantala, ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng PAR ay lumalapit sa Bagyong Saudel. Naitala ito sa layong 1,535 km Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.
📸: PAGASA
