Huling namataan ang Bagyong Saudel (international name) sa layong 1,660 km Silangan Hilagang-Silangan ng extreme Northern Luzon.
Sa forecast track, posbileng lumakas ito at maging super typhoon kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga o hapon. Tatawagin itong “Obet.” Ito na ang ika-15 bagyo na pumasok sa bansa at ika-apat ngayong buwan pagkatapos ng Bagyong Luis, Maymay, at Neneng.
Habang ang Bagyong Gaenari (o dating Neneng) ay nasa layong 520 km Hilaga Hilagang-Kanluran ng Itbayat, Batanes.
Samantala, isang tropical depression ang binabantayan sa Silangan ng Southeastern Luzon, sa labas ng PAR.
📸: PAGASA


