Hindi itutuloy ng Department of Education (DepEd) ang nationwide simultaneous school safety drill para sa active attack incidents na nakatakda sana bukas, Agosto 25 dahil sa masamang lagay ng panahon at kanselasyon ng face-to-face classes sa ilang lugar.
Ayon sa DepEd, ililipat ang aktibidad sa unang linggo ng Setyembre, ngunit wala pang tukoy na eksaktong petsa.
Layunin ng drill na turuan ang mga mag-aaral ng tamang pagkilos, komunikasyon, at pakikipagtulungan sa oras ng emergency. Hindi rin gagamit ng sobrang makatotohanan o nakakatakot na simulation upang maiwasan ang stress sa mga bata.
📸: DepEd DRRMS
