Sinabi ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na nasa full bed capacity ito dahil sa pagdami ng mga kaso ng leptospirosis.
Uunahin muna ng ospital ang mga pasyenteng nangangailangan ng emergency at kritikal na gamutan, habang lilimitahan ang walk-in admissions.
Dumami ang nagkaroon ng leptospirosis dahil sa mga pag-ulan dulot ng habagat at malawakang pagbaha sa maraming lugar sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot sa 3,440 ang mga kaso ng leptospirosis hanggang Agosto 8.
