Sisiyasatin ng Senado ang ₱107.4 bilyong pondo para sa flood control ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kabilang sa panukalang ₱7.2 trilyong pambansang badyet para sa 2027.
Ayon sa Senado, kailangang suriin ang pondo ng DPWH matapos ang kamakailang malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lugar.
Kaugnay nito, hihingi ang Mataas na Kapulungan ng updated flood control master plan upang matiyak ang maayos na paggagamitan ng pondo ng ahensya.
📸: Saif Vlogs
