Nangako ang Ateneo de Zamboanga University na ipatutupad nila ang mas mahigpit na seguridad sa campus matapos ang insidente ng pamamaril.
Simula sa Agosto 24 ay magkakaroon na umano ng mas mahigpit na vehicle inspection, identification checks at mas maigting na pagmo-monitor ng entry at exit points ng paaralan.
Ipatutupad naman ng paaralan ang online learning modality mula Agosto 24 hanggang 29.
