Ininspeksyon nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at DPWH Secretary Vince Dizon ang ground zero ng Guisad Surong landslide nitong Biyernes, Agosto 21.

Layunin ng site inspection na suriin ang lawak ng pinsala at talakayin ang agarang hakbang para sa kaligtasan ng mga residente, kabilang ang pangangailangan ng pondo para sa response efforts at slope protection measures.
📷: Baguio City Public Information Office

