Nasawi ang isang 57-anyos na piloto habang sugatan ang dalawang police trooper matapos magbanggaan ang isang Cessna 150 at police helicopter sa Carlisle Regional Airport, Pennsylvania.
Naganap ang insidente habang nagsasagawa ng routine training exercise ang helicopter. Ayon sa mga awtoridad, tinamaan ng eroplano ang rear tail rotor ng helicopter bago tumama sa main rotor.
Nasa stable na kondisyon naman ang dalawang trooper. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
📹: RT News
