Nasa ₱6.60 bilyon na ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura dulot ng mga nagdaang weather disturbance sa bansa, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) ngayong Biyernes, Agosto 21.
Isinama na sa assessment ang naging epekto ng Bagyong Neneng, bukod sa pinagsamang epekto ng habagat at iba pang bagyo.
Patuloy namang sinusuri ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala habang nagpapatuloy ang pagtulong sa mga lugar na naapektuhan.

