Patay nang matagpuan ang isang 31-anyos na babae at ang dalawa niyang anak na may apat at siyam na taong-gulang sa loob ng isang sasakyan sa Barangay Talacsan, San Rafael, Bulacan.
Â
Nahanap ang tatlo sa isang liblib na lugar matapos rumesponde ang mga opisyal ng barangay sa natanggap na tawag pasado 2:00 ng hapon nitong Huwebes, Agosto 20.
Â
Muling bumalik sa lugar ang mga awtoridad ng 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Agosto 21 upang magsagawa ng 3D scanning para sa karagdagang ebidensya.
Â
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang malaman kung kailan iniwan ang sasakyan sa lugar, na pinaniniwalaang maaaring mula pa nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 19.
Â
Samantala, nangako ang San Rafael LGU na tutulong sa pamilya ng mga nasawi.
Â
📸: San Rafael LGU
Â


