Pumalo sa 72,735 kaso ng influenza-like illness (ILI) ang naitala sa bansa mula Enero 4 hanggang Agosto 1, ayon sa Department of Health (DOH). Mas mababa ito ng 39% kumpara sa naitala noong 2025.
Batay sa datos ng ahensya, pinakamaraming kaso ang naitala sa Northern Mindanao na may 12,895, kasunod ang Calabarzon na may 10,578 at Davao Region na may 7,396.
Kabilang sa mga sintomas ng ILI ay lagnat, ubo, sipon, sore throat, at pananakit ng katawan.



