Huling namataan ang Bagyong Saudel sa layong 2,735 km Silangan ng Southeastern Luzon. May dala itong hangin na umaabot ng 95 km/h at pagbugsong umaabot sa 115 km/h.
Ayon sa PAGASA, malaki ang posibilidad nito na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo.
Habang ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Notherneastern Mindanao ay may mababang tiyansang maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras at hindi papasok ng PAR.
Samantala, ang Bagyong Neneng ay humina bilang low pressure area (LPA) at patuloy na kumikilos palayo ng bansa.



